2K 4Ps beneficiaries, graduate na sa programa — DSWD

MANILA, Philippines — Nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang may halos 2,000 benepisyaryo ng programa sa ginanap na Pugay Tagumpay sa Aman Royale, Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.

Ayon kay 4Ps National Program Ma­nager Director Gemma B. Gabuya, ang bawat pamilyang nakatapos ay nagtagumpay dahil sa kanilang matatayog na Pangarap, masugid na Pagtataya, makabuluhang Pagbabago, at walang-humpay na Pagtataguyod – ang modernong kahulugan ng 4Ps na nagbigay sa kanila ng bagong pag-asa at kinabukasan.

Kabilang sa naging panauhing pandangal sa okasyon si Senator Imee Marcos na nagpaabot ng kanyang pagbati at papuri sa mga nagsipagtapos na 4Ps beneficiaries.

Binigyang diin nito na ang kanilang sipag at determinasyon sa pag a­senso sa tulong ng suporta mula sa pamahalaan ang  tunay na ebidensiya na tama ang kanyang paniniwala na dapat mapondohan nang sapat ang mga programa ng DSWD, lalo na ang 4Ps.

Ang nasabing Pugay Tagumpay ay dinaluhan din nina Bulacan Vice-Governor Alex Castro, Congressman Ambrocio Cruz, Pandi Mayor Enrico A. Roque, at mga kasapi ng DSWD Field Office 3 sa pangunguna ni Assistant Regional Director Armont C. Pecino, Regional Program Coordinator Josephine Dela Tonga, Provincial Link Josefina C. David, at Municipal Social Welfare and Development Officer Erwin P. Vicente.

Show comments