Higit 4K ng 4Ps beneficiaries, lisensyadong guro na - DSWD

MANILA, Philippines — Mahigit sa 4,000 da­ting monitored children ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mga licensed professional teachers (LPT) na nga­yon.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, patunay ito na epektibo ang 4Ps sa pag-aaral ng mga anak ng mga benepisyaryo.

Base sa talaan ni Director Gemma Gabuya ng 4Ps’ National Program Management Office (NPMO), 1,225 Elementary-level at 3,129 Secondary-level education graduates ang nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).

“In the recent LET given last March with the results released in May, we also have reported former 4Ps monitored children who topped the said exam,” pahayag ni Dumlao.

Ilan sa mga 4Ps monitored children ang naging topnotchers sa March 2024 LET. Ito ay sina Khane Jevie Rose S. Cervantes (Top 1) mula sa Davao Region Jennifer G. Manrique (Top 9) mula sa MIMAROPA Region para sa Elementary Level.

Para sa Secondary Level, naging topnot­chers sina Christian Albert B. Paskil at Clarence Joy D. Salmorin na parehong galing sa MIMAROPA (Top 5); Jellian H. Calipes (Top 6) mula Davao Region, at Joanne E. Cagata (Top 8 ng Caraga Region.

Nagpasalamat sa DSWD si Clarence Joy Delos Santos Salmorin na nagtapos ng Magna Cum Laude sa Secon­dary Education, Major in Science sa Mindoro State University (Bongabong Campus) dahil sa tulong sa kanyang pag-aaral ng cash grants na natanggap mula sa DSWD bilang dating benepisyaryo ng 4Ps.

Show comments