Babaeng airport cleaner nakawalis ng P1 milyong sa maruming medyas

Cleaner Rosalinda Celero turns over $18,800 (approximately P1 million) in various denominations she found in a pair of used socks at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 yesterday. Image courtesy of the Manila International Airport Authority.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang pares ng maruming medyas na naglalaman ng dolyares na katumbas ng P1-milyon ang natagpuan ng isang babaeng empleyadong tagalinis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Huwebes ng umaga.

Isinurender ng matapat na airport cleaner na si Rosalinda Celero sa NAIA Terminal 3 Lost and Found Section ang nakuhang salapi na nasa loob ng maruming medyas, nang magwalis siya sa ilalim ng gang chair na upuan ng mga pasahero. Hindi agad napansin ni Celero ang pera hanggang sa makita niya sa dust pan na nakabukol ang mga medyas.

May kabuuang 202 bills na may iba’t-ibang dollar denominations ang pera.

Rerepasuhin naman ng Manila International Airport Authority ang mga footages ng CCTV sa nasabing erya upang matukoy kung sino ang posibleng nag-iwan ng perang nabanggit na tinatayang nasa P1-milyon.

Hindi naman malinaw kung bakit nakalusot sa airport security X-ray ang malaking halaga ng salapi nang hindi na-detect. Sakaling matukoy, posibleng magkaroon pa ng kaso ang nagmamay-ari ng pera dahil hindi pinahihintulutan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pasahero na magdala ng hihigit sa $10,000 sa kanilang hand-carry luggage.

Show comments