Ilang lugar sa Quezon City, iwasan sa Pride March Day

Pedestrians and cyclists pass over a rainbow-colored pedestrian walk at Barangay Kapasigan in Pasig City on June 16, 2024 as a show of support by barangay officials to the LGBTQIA+ community in celebration of Pride Month.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Quezon City local govern­ment ang mga moto­rista na huwag daraan ng ilang lugar sa lungsod kaugnay ng gagawing Pride March sa bandang hapon bukas, Hunyo 22.

Sa traffic advisory ng QC LGU ang Pride PH Festival March at Float Parade ay magsisimula sa Tomas Morato Ave­nue papuntang Timog Avenue, Quezon Ave­nue papuntang Elliptical Road at papasok ng QC Memorial Circle sa may Commonwealth Avenue Gate.

Sinabi ni Mr Dexter Cardenas, hepe ng Traffic and Transport Ma­nagement Department ng QC, asahan na ang traffic sa naturang mga lugar sa Sabado kayat dapa’t itong iwasan ng mga motorista.

Ayon kay Pride PH convenor Vince Banal, inaasahang nasa 200,000 indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang makikiisa sa naturang okasyon na mula sa LGBTQIA+community.

Kaugnay nito, sinabi ni QCPD director Red Maranan na magde-deploy siya ng higit 2,000 tauhan para magmantine ng kapayapaan at kaayusan ng okasyon.

Una nang sinabi ni QC mayor Joy Belmonte na patuloy na kakalingain ng lokal na pamahalaan ang naturang komunidad dahil sa QC ang lahat ay pantay-pantay sa pagtrato at walang diskriminasyon.

Show comments