Selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’, kasado na – Lacuna

Manila Mayor Honey Lacuna delivers her first State of the City Address (SOCA) at the city council session hall on July 11, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagdaraos ng ika-453 anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila sa Lunes.

Bunsod nito, nanawagan kahapon si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga opisyal at mga em­pleyado ng Manila City government, at maging sa mga residente ng lungsod, na lumahok sa gagawing seleb­rasyon para sa Araw ng Maynila sa Hunyo 24.

Ayon kay Lacuna, ang aktibidad para sa paggunita ng ika-453 taong ani­bersaryo ng pagkakatatag ng lungsod ay isasagawa sa pamamagitan ng isang civil-military parade na gaganapin sa Dagonoy, sa Onyx.

Ito ay lalahukan aniya ng lahat ng city employees at mga Manila-based organizations para sa joint celebration ng nasabing okasyon.

Panawagan ng alkalde, “Lahat ay hinihikayat ko bilang pagdiriwang na tayo ay magkita-kita sa Lunes, June 24, sa Dagonoy, Onyx para sa ating taunang civil-military parade. Kayo ay bahagi ng lungsod ng Maynila kaya marapat lamang na kasama namin kayong lahat sa pagdiriwang ng napakahalang araw na ito.”

“Sa susunod na l­inggo, sa Lunes, ay ipagdiriwang na natin ang ika-453 taon ng pagkakatatag ng lungsod ng Maynila, isang bagay na hindi natin dapat balewalain dahil sa loob ng 453 years at hinubog ang Maynila bilang tunay na karapat-dapat bilang kapitolyo ng ating bansa,” dagdag ng alkalde.

Show comments