Bird import mula Michigan, ban muna - DA

Ito ayon sa DA ay dahil positbo sa H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza ang naturang mga hayop.
Philstar.com/Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga ibon at poultry products mula sa Michigan, USA.

Ito ayon sa DA ay dahil positbo sa H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza ang naturang mga hayop.

Sa ipinalabas na Memorandum Order 24 na pinirmahan ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., agad nitong sinuspinde ang importasyon ng domestic at wild birds gayundin ng mga produktong mula dito tulad ng poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen mula sa Michigan.

Ipinaitigil din ng DA ang pagpapalabas ng bagong sanitary at phytosanitary permits ng Bureau of Animal Industry para sa animal at product imports mula sa naturang bansa.

Ang desisyon ng DA sa pagbabawal na maipasok sa Pilipinas ang naturang produkto mula sa Michigan ay upang maingatan ang local poultry products ng bansa.

Show comments