Bilang karagdagang agricultural workforce
MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng decongestion program ng Bureau of Corrections (BuCor) nasa 500 persons deprived of liberty (PDLs) ang tagumpay na nailipat mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan, para idagdag sa agricultural workforce.
Biyernes ng gabi, nang ibiyahe ang PDLs na ineskortan ng 147 corrections officers sa pamumuno ni Chief Inspector Roberto Butawan, na may augmentation mula sa Muntinlupa-Philippine National Police-Highway Patrol Group at Skyway Patrol.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na sa nasabing bilang, 200 ang mula sa Reception and Diagnostic Center, 150 mula sa maximum security at 150 mula sa medium security.
Samantala, nilinaw naman ng San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City na dalawa lamang sa mga tauhan nito ang natanggal sa kanilang tungkulin kaugnay ng pagkakaaresto sa isang PDL at isang sibilyan sa buy-bust operation kamakailan.
Sinabi ni SRPPF Supt. Nilinaw ni Corrections Chief Inspector Vic Domingo Suyat na sina CSO4 John Hicap at CO2 Joel Broncano ang mga tinanggal sa kanilang tungkulin sa Work and Livelihood Program dahil sila ang mga escort ng PDL nang mangyari ang insidente.
Sina CO2 Jimmy Wong at CO1 Marlon Hemandez ay inalis mula sa Minimum Security Compound at muling itinalaga sa Work and Livelihood Program.
Sinabi ni Suyat na sina CO2 Wong at CO1 Hernandez ay hindi sangkot at hindi rin dapat imbestigahan hinggil sa insidente ng buy-bust noong Abril 9, 2024.