‘Kiss sabay hug’, ng mga preso sa CIW at NBP, idinaos

MANILA, Philippines — Binigyang pribilehiyo ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ang mga bilanggo mula sa Correctional Institution for Women (CIW) na madalaw ang mga mahal nila sa buhay na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP), sa tema ng selebrasyon na “Kiss Sabay Hug” na idinaos kahapon, sa Muntinlupa City.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., sa diwa ng Valentines Day, ang  CIW PDLs na may kaanak o asawa sa NBP ay isinakay sa bus ng BuCor para ipagdiwang ang espesyal na araw na ito. Pagkatapos ng kanilang pagbisita, ihahatid din silang pabalik sa CIW.

Gayunman, sinabi ni Catapang na ang karaniwang pagbisita ng mga PDL sa NBP at iba pang operating prison at penal farms ay pinapayagan kabilang ang conjugal visits.

Show comments