Libreng sakay sa LTR-2 ngayon

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ang libreng sakay ay maaa­ring i-avail mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ngayong araw.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Maging ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ay nag-anunsiyo na rin ng libreng sakay para sa kanilang commuters ngayong araw, December 30, bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-122 ani­bersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ang libreng sakay ay maaa­ring i-avail mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ngayong araw.

“Nakikiisa ang mga Official ng LRTA sa paggunita ng anibersaryo ng KABAYANIHAN ni DR. JOSE RIZAL kaya handog namin ang LIBRENG SAKAY sa LRT-2 sa ika-30 ng Disyembre, taong 2018 sa mga oras na nakasaad sa ibaba. Gunitain ang kanyang kabayanihan. Padayon, Pilipinas!”  ayon sa abiso ng LRTA.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa C.M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan Pasig, na boundary ng lungsod ng Marikina, Pasig at Rizal.

Una naman nang inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na may libreng sakay din ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kanilang mga commuters ngayong araw.

Show comments