MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang ama ng tahanan dahil sa pananakit sa kanyang isang taong gulang na anak na naging sanhi ng kamatayan ng huli sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang suspect ay nakilalang si Nazarenio Mendiola, 36, ng Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit sa lungsod.
Ayon kay PO3 Roldan Cornejo, imbestigador sa kaso, si Mendiola ay dinampot ng mga kagawad ng Brgy. Holy Spirit makaraang malagutan ng hininga sa ospital ang anak nitong si Tylor Jerick Mendiola, 1-anyos, dalawang araw matapos na isugod sa pagamutan bunga ng kanyang pananakit.
Sa ginawang pagsisiyasat ni PO2 Cornejo, lumalabas na nangyari ang pana-nakit sa sanggol noong Nov. 28, 2015 sa loob ng kanilang tinutuluyan, ganap na alas-7:30 ng gabi.
Bago anya ang insidente, ayon sa testigong si George Romero, kapitbahay ng suspect ay nakari-nig umano ito nang malakas na iyak ng beybi.
Nang kanya umanong silipin mula sa puwang ng pinto ay nakita niya si Mendiola na sinasaktan ang sanggol habang hawak nito ang mga paa at naka-patiwarik na posisyon.
Sabi ni Gerald Loraine Perez, live in partner ng suspect, sa kabila anya ng kanyang pagmamakaawa sa suspect na tigilan na ang pananakit sa anak ay lalo itong nagalit at pinagbali-ngan pa siya nito.
Dagdag ni Perez, gumagamit din umano ng ipinagbabawal na gamot ang suspect at madalas na sinasaktan nito ang kanyang mga anak.
Makalipas ang isang araw, nitong Nov. 29, 2015, ganap na alas-4:15 ng hapon isa pang testigo na si Ernalyn Sollegue ang pinakiusapan ni Perez na tignan ang kondisyon ang kanyang anak na si Tylor Jerick.
Sabi ni Sollegue, pag-pasok umano niya ng kuwarto ay nakita niya ang bata na hindi na gumagalaw habang nakahiga sa isang crib dahilan para agad nilang isugod sa pagamutan kung saan idineklara itong dead-on-arrival.
Dahil sa pangyayari, pinaghahanap ng awtoridad ang suspect hanggang nitong Nov. 30, 2015, ganap na alas-7:30 ng umaga ay nakatanggap ng tawag ang Brgy. Holy Spirit kaugnay sa suspect na nakitang pagalagala sa tabing ilog malapit sa kanilang tanggapan.
Agad na kumilos ang barangay opisyal na sina Araceli Baron kasama ang iba pa at tinungo ang nasa-bing lugar at dinakip ang suspect saka dinala sa kanilang tanggapan bago ilipat sa kustodiya ng pulisya.
Samantala, todo tanggi naman ang suspect sa pa-ratang sa kanya dahil wala anya siyang natatandaan ginawa niyang saktan ang anak.
Sinampahan na rin ito ng kasong parricide at inihahanda na nila laban sa suspect na isasampa nila sa city prosecutor’s office.