Pagpapalakas sa social services, itutuloy ni Vice Mayor Joy B sa Quezon City

Si QC Vice Mayor Joy Belmonte matapos na mag-file ng kanyang certificate of candidacy kahapon para sa ikatlong term sa pagka-bise alkalde sa lungsod. Micahel Varcas

MANILA, Philippines – Pormal nang nag­ha­­rap kahapon ng kan­yang certificate of candi­dacy (COC) si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para sa kanyang ikatlong term bilang bise-alkalde sa lungsod.

Sa Comelec District 1 sa Quezon City Hall compound si Belmonte nag-file ng COC kasama ang mga konsehal ng lungsod at libu-libo nitong tagasuporta partikular ang grupo ng mga kababaihan sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na plano niyang higit pang palakasin ang social services projects laluna sa mga prog­ramang laan sa mga kabataan tulad ng edukasyon.

“Gusto kong maging number 1 ang QC sa edu­kasyon, higit pa nating palalakasn at dadagdagan ang social services at disaster reduction” pahayag ni Belmonte.

Bilang Tourism Czar, sinabi ni Belmonte na pasisiglahin pa niya ang QC bilang tourism district kung saan ang mga open spaces sa lungsod ay mapapakinabangan ng mga mamamayan.

Si Belmonte sa ika­lawang term sa QC bilang Vice Mayor ay ibat ibang mga progra­ma ang naipatupad partikular na ang mga livelihood projects sa mga kababaihan, single mom at single tatay, scholarship programs, environment programs, AlkanSSS­ya program sa mga TODA sa lunsod,LGBT prog­rams, health programs, programa sa mga nabibiktima ng karahasan, nasasangkot sa paggamit ng illegal drugs at iba pa.

Show comments