Sa ‘Gawad Sulo Ng Bayan’ 2015, Quezon City pinakamahusay na lungsod

MANILA, Philippines – Naibuslo ng Quezon City ang 23 awards, kabilang ang pinakamahusay na lungsod sa Kalakhang Maynila, napili naman si QC Vice Mayor Joy Belmonte bilang pinakamahusay na ikalawang punong-lungsod sa ginanap na ‘Gawad Sulo ng Bayan’ 2015 sa Metro Manila government sector.

Layunin ng ‘Gawad Sulo ng Bayan na parangalan at bigyang pagkilala ang mga indibidwal at mga grupo na nagbibigay ng matinding kontribusyon sa pagpapaunlad ng komunidad.

Ang parangal ay inorganisa ng grupo ng mga professionals tulad ng Golden Torch Creative Consultants Association, Inc. na pinangungunahan ni Danny Mangahas, na siyang chairman/president nito.

Tanging si Vice Mayor Bel­monte ang nakakuha ng pinakamataas na score na 83.3 percent sa hanay ng mga Vice Mayor sa Metro Manila.

Naibuslo naman ng Brgy. Sto. Cristo sa QC ang best barangay at best government employee si Voltaire Alcantara ng Task Force Copriss ng QC  at Joel Amoroso ng Treasury department, Fire Supt Jesus Fernandez bilang best chief sa pagtatanggol sa sunog sa Metro Manila at best councilor si Councilor Dorothy Delarmente, pawang sa QC.

Show comments