LRT, MRT fare hike ipinatitigil sa SC

MANILA, Philippines —  Isang dating kongresista ang kumwestyon kung naaayon ba sa Saligang Batas ang pagtataas singil ng Mero Rail Transit (MRT) and the Light Rail Transit (LRT) na ipinatupad kahapon.

Hiniling ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco sa mataas na hukuman na maglabas ng temporary restraning order upang suspendihin ang bagong fare matrix ng MRT at LRT.

Nakasaad sa 12-pahinang petisyon ni Syjuco na inabuso ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kanilang kapangyarihan sa pagtataas ng pamasahe.

Dagdag niya na nilabag din ng kagawaran ang due process sa paglalabas ng kautusan dahil na rin sa hindi pagsasagawa ng public hearing bago ipatupad ang mga bagong pamasahe.

Nauna nang sinabi ng DOTC at ng Palasyo na nararapat lamang ang matagal na dapat ipinatupad na bagong singil.

"Hinihingi po natin ang kanilang pag-unawa at pakikiisa dito sa gagawin nating paglalagay sa tama ng pagsingil sa MRT at LRT. ‘Yon naman pong binabalak nilang mga hakbang, basta lang po napapaloob sa mga proseso ng ating batas," pahayag ni Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloa Jr.

Show comments