MANILA, Philippines — Suspendido ang airport police officer na nakuhaan ng video na binasag ang salamin ng isang taxi matapos tumanggi ang driver na ibigay ang lisensya.
Nitong kamakalawa sinimulan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kanilang imbestigasyon kay Airport Police Officer 2 Alejandro Pineda Jr. na nakagirian ang taxi driver na si Boots Ymata sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport terminal 3.
Naghain ng kasong disregarding traffic signs, obstruction, direct assault at resisting arrest si Pineda kay Ymata sa Pasay City Prosecutor's Office kahapon.
Kaugnay na balita: Airport cop iniimbestigahan dahil sa 'basag taxi' video