MANILA, Philippines - Maaari nang maibsan ang pangamba ng mga pulis, city hall employees, seÂnior citizen at iba pa sa kanilang gastusin sa pagpapa ospital kung agad na maipapasa ang ordinansa na inakda nina Vice Mayor Isko Moreno; 2nd District Councilor Marlon Lacson; 3rd District Councilors Joel Chua, Bernardito Ang at Ernesto Isip at 4th District Councilor Edward Maceda.
Ang nasabing ordinansa ay naglalayong mabigyan ng libreng medical care ang lahat ng senior citizen, uniformed at non-uniformed personnel ng MaÂnila Police District, lahat ng city hall employees, barangay officials kabilang na ang barangay treasurer, secretary, tanod at miyembro ng lupong tagapamayapa at maging ang mga legal na inaresto ng mga awtoridad.
Sa ilalim ng ordinansa, dapat na mabigyan ng libÂreng medical care ang mga naÂbanggit na individual na residente ng Maynila.
Sakop ng free medical care ang medical check up, professional fees, subsistence, gamot, X-ray, opeÂrasyon at gastusin, laboratory fees at iba pang hospital expenses.
Malaking tulong din anila na malibre ang mga Manilenyo sa mga gastusin lalo na sa pagpapagamot at pagpapaospital.
Iba pa anila dito ang mga gumagamit ng orange card na inisyu ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga pinakamahirap na resiÂdente ng lungsod.
Ilan din sa mga konsehal na co-authors ng ordinansa sina Councilors Re Fugoso, Manuel Zarcal, DJ Bagatsing, Anton CapisÂtrano, Joel Par, Cristina Isip, Beth Rivera at Raymundo Yupangco, John Marvin Nieto, Ernesto Dionisio, Jr., Casimiro Sison, Eric Ian Nieva, Dennis Alcoreza, PrinÂcess Marie Abante, JoÂcelyn Quintos, Ruben Buenaventura, Salvador Philip Lacuna, Roberto Ortega, Jr., Ramon Robles, Rolando Valeriano, Irma Alfonso, Arlene Chua, Numero Lim at Leilani Marie Lacuna.
Matatandaan na inihain naman kamakailan ni 6th District Councilor Joel Par ang paglilibre sa mga pulis at barangay officials sa pagbabayad ng medical check up ng mga naaarestong criÂminal.