Sex toys sa Quiapo, sinamsam

MANILA, Philippines - Kinumpiska  ng mga tauhan ng Manila Police District-District Police Intelligence Operations Unit ang iba’t ibang uri ng sex toys at sex enhancement gadgets sa isinagawang operasyon sa Sta. Cruz at Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Randy Maluyo, apat na kahon na naglalaman ng nasabing sex toys ang nakumpiska dakong  alas-11:00  ng umaga sa kanto ng Rizal Avenue at P. Paterno St., Sta. Cruz.

Ang aksyon ay bunsod na rin ng mga napaulat na talamak ang pagbebenta ng mga nasabing produkto sa lugar kahit sa araw pa ng prusisyon ng Itim ng Poong Nazareno noong Enero 9.

Sinabi pa ni  Maluyo na modus operandi ng mga vendor na mga kahon lamang ang nakikita sa kanilang paninda at mga walang laman  at saka lamang umano ito inilalabas tuwing mayroon nang bibili.

Show comments