Naputulan ng binti, nagbigti

MANILA, Philippines - Winakasan na ng isang 27-anyos na da­ting security guard ang sariling buhay makaraang magbigti sa loob ng kuwarto nito, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Hindi na isinugod sa pagamutan ang bangkay ng biktimang si Anthony Boroc, ng Mary Gold St., Rivera Village, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang madiskubre ang pagbibigti ng biktima ng nakakatandang kapatid nito na si Blondie Boroc, 28. 

Ayon sa kaanak ng biktima, matagal nang sumasailalim sa dep­resyon si Boroc ma­tapos­ na maputol ang isa nitong binti dahil sa sakit na diabetes sanhi upang mawalan ng trabaho.

Kamakalawa ng gabi nang umuwi ng kanilang bahay ang biktima ga­ling sa pakikipag-inuman at may bitbit pang dalawang bote ng beer at diretsong nagkulong sa loob ng kuwarto nito. 

Kinatok naman ito ng tiyahin na si Myrna­ Reyes sa kuwarto  ngu­nit   hindi ito sumasagot kaya puwersahang bi­nuksan ang pinto at nadiskubre ang naka­biting bangkay nito.

Show comments