MANILA, Philippines - Handa umanong lumuhod, makiusap at manlimos si Manila Mayor Joseph Estrada kaninuman maibangon lamang ang lungsod mula sa kahirapan, krimen at korupsyon.
Sa kanyang kauna-unaÂhang press confenrence kahapon matapos ang oathtaÂking sa session hall sa harap ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi ni Estrada na gagawin nila ni Vice Mayor Isko Moreno ang lahat upang maiahon ang mga mahihirap na Manileyo gayundin upang masawata ang katiwalian na kadalasang kinasasangkutan ng mga opisyal ng city hall at mga pulis.
Bagama’t hindi siya ‘superman’, naniniwala si EsÂtrada na sa tulong ng konseho ng Maynila at mga pulis ay unti-unting maiaahon ang lungsod mula sa masasamang imahe at pagkabaon nito sa utang. Dahil dito, nanawagan din si Estrada sa mga Manilenyo na dagdagan ang kanilang pagtitiis, sakripisyo at pang-unawa.
Kabilang sa programa ng administrasyong Estrada ay ang peace and order, edukasyon, kabuhayan at pagtatanggal ng mga baha. Aniya, ang mahihirap ay hindi kinokotongan bagkus ay tinutulungan.
Tiniyak din ni Estrada na magiging transparent ang lahat ng sistema sa pangongolekta ng buwis, gayundin ang pagpapalabas ng pondo upang makita kung tama ang pinaggagamitan nito.
Inihayag din ni Estrada ang ilang pagbabago sa kanyang mga opisyal kung saan sinabi nito na magiging Manila Police District director si Sr. Supt. Isagani Genabe; MPD-Chief Directorial Staff si Sr. Supt. Gilbert Cruz; MPD- Directorial for Administration si Sr. Supt. Ronald Estilles at MPD- Directorial for Operations si Supt. Joel Coronel; Secretary to the Mayor si Atty. Ed Sarafio; City Administrator si dating Nueva Ecija congressman Simeon Garcia; City Legal Officer si Atty. Jay Flaminiano at ibinalik naman si Liberty Toledo bilang hepe ng Treasurer’s Office.