Obrero itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Isang obrero ang na­ sawi matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagkukumpuni ng bahay sa Brgy. Commonwealth sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga. Nakilala ang nasawi na si Bernardo Villanueva, 40. Nangyari ang insidente sa may Tabigo St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-12:08 ng tanghali.

Diumano, kasaluku­ yang nagkukumpuni sa bahay ng kanyang nanay ang biktima kasama ang isang Emil Villanueva nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspect at huminto malapit sa lugar ng mga una.

Mula doon ay nagsi­pagbabaan ang mga sus­­ pect na kapwa may bitbit ng baril at saka pinag­ babaril ang biktima. Mata­pos ang pamamaril ay agad na sumakay ang mga suspect sa dala nilang motorsiklo at sumibat papalayo sa hindi mabatid na direksyon. Inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.

 

Show comments