23 kabataan pumuga sa DSWD sa Caloocan

MANILA, Philippines - Nakapuga ang 23 mga  kabataan sa holding center ng Caloocan City Social Welfare and Development sa pamamagitan ng paglagare sa rehas ng banyo kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang makatakas ang mga menor-de-edad na bilanggo na may iba’t ibang kaso sa Yakap Bata sa Plaza Rizal ng naturang lungsod.

Nabatid na nilagare ng mga ito ang rehas ng banyo ng naturang holding center  at doon nagsilabas hanggang sa tuluyang makatakas.

Inaalam na kung may pa­na­nagutan ang mga nagba­bantay sa naturang  holding center.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insi­dente.

 

Show comments