MANILA, Philippines - Dalawang menor-de- edad na batang babae na pumuslit papasok sa loob ng isang priÂbadong swimming pool para maligo ang minalas na masawi makaraang malunod sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga ng Quezon City Police District, ang mga biktima ay kinilalang sina Rica Mae Catap, 11, mag-aaral sa Pasong Tamo ElemenÂtary School; at Ken Natalie Andoy, 12, estudÂyante naman ng Culiat Elementary school.
Ang dalawa ay kapwa naninirahan sa iskwater area sa Pingkian-2, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Ayon kay Zaldarriaga, ang pagkalunod ng dalawang bata ay inireport lamang sa CIDU Lunes ng gabi, pero nangyari ang insidente ganap na alas-5:30 Linggo ng gabi sa may swimming pool ng bahay ng isang Mariano Soriano na matatagpuan sa kahabaan ng Urbano St., Brgy. Pasong Tamo.
Sabi ng mga kasambahay sa pulisya, hindi nila kilala ang mga batang pumasok sa bahay nang maganap ang insidente.
Nalaman ni ZalÂdarriaga na nang maganap ang insidente sina Catap, Andoy at ilang kaibigan ay pumanhik sa bakod ng bahay ni Soriano para makapunta sa swimming pool.
Isa sa mga kaibigan ng mga biktima ang nagsabi na isa sa kanila ring kaibigan ang biglang tumulak kay Catap sa pool. Nang makita ni Andoy si Catap na humihingi ng tulong, tinangka niyang iahon ito pero maging siya ay nadala ng tubig.
Dahil dito, nagpasya ang dalawang bata na umuwi at ipagbigay alam sa mga magulang ng mga biktima ang pangyayariÂ.
Sabi ni Francis MariaÂzata, manugang ni Soriano, sa pulisya, nasorpresa na lang sila nang makita ang dalawang bata na nagtatakbo paÂlabas ng gate.
Dahil ang dalawang bata ay galing sa swimming pool, nagpasya si Mariazata na pumunta sa lugar kung saan naÂtagpuan nito sina Catap at Andoy na nasa ilalim ng tubig.
Agad na iniahon ni Mariazata ang dalawang bata mula sa pool at saka binigyan ng administered cardiopulmonary resuscitation (CPR). Matapos nito ay itinakbo ang dalawang bata sa Quezon City General Hospital (QQCGH) pero kapwa idineklara ang mga itong dead-on-arrival.