MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkadismaya si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagbasura umano sa kasong isinampa nila laban kay Robert Blair Carabuena, ang lalaking nahuli sa video na nanampal sa isang traffic enforcer noong nakaraang taon.
Nabatid na nagsampa ng reklamo ang MMDA laban kay Carabuena, isang executive ng isang kompanya ng sigarilyo, dahil sa pananampal at pag-abusong berbal kay TE Saturnino Fabros noong Agosto 11 sa Tandang Sora-Capitol Hills sa Quezon City.
Ngunit sa pitong-pahinang desisyon ng LTO, sinabi nito na walang paglabag si Carabuena sa Section 21 ng Land Transportation and Traffic Code at sinabing ang insidente ay isa lamang umanong paglabag sa trapiko na hindi kaÂtumbas ng mabigat na parusa tulad ng rebokasyon ng lisensya.
“Nor was he guilty of operating or using a motor vehicle in, or as an accessory to, the commission of any crime or at which endangers the public,†ayon sa desisyon.
Sa halip, inirekomendang masampahan si Carabuena ng kasong “disregarding traffic signs/disregarding traffic officerâ€.
“Mr. Carabuena’s action was not only a crime, but a clear and blatant disregard for authority. People like him with that kind of temper and behavior should not be allowed to drive along our roads because he is a danger not only to our enforcers, but to other motorists as well. This is not simply disregarding a traffic officer,†ayon naman kay Tolentino.
Hindi umano sapat ang pagbibigay lamang ng “warning†kay Carabuena at naniniwala sila na dapat na talagang mapawalang-bisa ang lisensya nito.
Nakatakda namang magsampa ng “motion for reconsideration†ang MMDA sa LTO ukol sa naturang kaso. Bukod sa kaso sa LTO, nahaÂharap din sa hiwalay na kaso si Carabuena sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa pananampal kay Fabros.