Magkaibigan niratrat sa basurahan

MANILA, Philippines - Napatay ang 33-anyos na scavenger habang kritikal naman ang kasama nito matapos ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Idineklarang patay sa Jose N. Rodriguez Me­morial Hospital ang biktimang si Rolando “Ian” Marcellano ng Phase 8-B, Tuluyan Plaza, Package 13, Block 51, Lot 14, Bagong Silang sa nabanggit na lungsod. Habang ginagamot naman sa Commonwealth Hospital ang sugatang si Allan Cabardo, 36, ng Phase 8-B ng nabanggit na lugar.

Sa police report, lumilitaw na naghahakot ng ba­sura  ang mga biktima nang harangin at pagbabarilin ng dalawang kalalakihan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments