Single mom

Dear Dr. Love,

Determinado na akong huwag mag-asawa at manatiling nag-iisang magulang sa aking anak na 7 years old.

Masalimuot ang kuwento ko.

Dalawa ang lalaking nakatalik ko nang magkasunod sa isang gabi at hindi ko malaman kung sino sa kanila ang ama ng aking anak.

Lasing ako noon at nasa impluwensya ng droga.

Pareho akong iniwanan ng mga lalaking nakagalaw sa akin. Matagal ko nang pinagsisihan ang naganap na ito sa buhay ko at salamat sa Diyos at nawala na ang aking masamang bisyo.

Ngayo’y may nanliligaw sa akin. Batid niya ang kasaysayan ko pero mauunawaan daw niya ako at handa akong pakasalan.

Mahal ko rin siya pero ayaw kong mabatikan ang dangal niya dahil sa aking kalagayan.

Pagpayuhan mo po ako.

Segundina

 

Dear Segundina,

Kung mahal ka niya at mahal mo siya, bakit dapat kang ma-ngamba na mababatikan ang kanyang dangal?

Kahangahanga ang isang lalaki na handang umibig sa babaeng tulad mo na nagsisikap makaba-ngon at magbagong buhay.

Taglay ninyo kapwa ang katangitanging kalidad na dapat pahalagahan at hangaan ng iba.

Tanggapin mo siya at bumuo kayo ng isang masayang pamilya.

Huwag tanawin ang nakalipas at gumawa ng magandang bukas.

Dr. Love

Show comments