Binabalewala ang ina

Dear Dr. Love,

Nagdadalawang-isip po ako ngayon sa pakikipagrelasyon ko sa aking boyfriend. Sure ako na mahal ko siya pero dahil sa mga naoobserbahan ko sa kanya, napapaisip ako ng husto.

Wala na kasi siyang time sa kanila. Ni hindi siya nakakatulong kahit sa maliit na paraan. Dahil kung hindi kami magkasama sa date, naka-online naman kami at naglalaro ng ML.  Ni hindi na nga siya nagpatuloy sa pag-aaral.

May time na gusto ko siyang i-prank, kunyari ay makikipag-break ako sa kanya. Pero baka totohanin niya at lalo lang lumala ang situwasyon.

Ang kinaiinis ko habang magkasama kami sa kanila, hindi na magkandaugaga ang kanyang ina sa mga gawaing bahay: nag-aasikaso sa amin, nagluluto, naghuhugas ng pinggan habang nakasalang ang mga labahin. Sa totoo lang po, gusto kong tumulong pero pinipigilan ako ng boyfriend ko. Sa pakiramdam ko ay balewala sa kanya kahit harap-harapan niyang nakikita na nahihirapan ang kanyang ina.

Bagay na nagpapaisip sa akin ngayon. Dahil kung nagagawa niya po balewalain ang ina na nagpalaki at nagsakripisyo ng husto sa kanya, ano pa kaya ang magagawa niya sa akin, lalo na kung magkatuluyan kami.

Gusto ko po tulungang magbago ang boyfriend, pero hindi ko po alam kung paano.

Madz

Dear Madz,

Tutal madalas naman na kayo ang magkasama ng boyfriend mo, subukan mo siyang kausapin nang masinsinan. Pwede mo simulant sa pagkukwento kung gaano kaimportante sa’yo ang iyon gpamilya, ang iyong ina. Subukan mo siyang tanungin kung ano naman ang estado ng kanyang pamilya sa kanyang puso. Saka mo ipagtapat sa kanya ang saloobin mo.

Sana lang ay mag-iwan ng palaisipan sa kanya ang mga sinabi mo na eventually ay magpa-realized sa kanya ng pwede mong maging desisyon kung sakali na hindi siya magbago.

Kung ayaw niya talaga, sa palagay ‘yun na ang palatandaan na huwag ka nang mag-aksaya ng panahon sa lalaki na nagagawang balewalain ang sari-ling ina. Dahil tama ka, hindi malayong ganon din ang magagawa niya sa’yo kung maging mag-asawa kayo.

DR. LOVE

Show comments