Dear Dr. Love,
Sariwang mga rosas para sa inyo, Dr. Love. Pangungumusta po ito at pagbati na rin ng Happy Valentine’s Day.
Gumugulo po sa isip ko ngayon ang pag-aaya sa akin ng boyfriend kong si Danny na magtanan sa muling pagbabalik-bayan niya. OFW po siya sa Dubai, nasa first class hotel po siya. Ako naman ay nurse sa isang government hospital sa Dubai.
Nagkakilala po kami sa isang website at marahil ang pagkakahawig namin ng estado sa buhay ang naglapit sa amin sa bawat isa. Gaya ko, nagtatrabaho rin siya para maÂbaÂyaran ang pagkakautang ng paÂmilya. Sa kanya ang ginastos sa pagpapaÂgaÂmot ng kanyang ama, ako naman ay para sa pagkatubos ng aming bahay at lupa.
Matatapos na raw si Danny sa kanyang pagbabayad kaya nagyayaya na siya. Pero ako ay hindi pa at hindi ko ma-take na basta talikuran na lang ang mga magulang at kaÂpatid ko na lubog sa utang, na kalaunan ay maaÂaring mawalan ng tirahan.
Mahal ko po si Danny, Dr. Love. Kung kayo po ang nasa kalagayan ko, ano po ang magagawa ninyo para maging maligaya kami nang hindi mapapabayaan ang aking pamilya?
Payuhan mo po ako. Maraming salamat.
Gumagalang,
Abigail
Dear Abigail,
Subukan mo munang i-open kay Danny ang bumabagabag sa iyo tungkol sa kanyang pag-aaya sa iyo. Maaaring may paraan siya na makakapagpagaan sa sitwasyon. HuÂwag ka masyadong ma-pressure dahil kung tunay at wagas ang pagtatangi sa iyo ng iyong nobyo, maiintindihan ka niya.
Naniniwala ako na hindi dapat maging obliÂgasyon ng anak ang kakulangan ng magulang. Pero laging may pagpapala kung nagÂÂmamalasakit ang anak sa magulang. MagiÂging magaan pa naman ang lahat sa inyo dahil kung sakali, nasa pagsisimula pa lamang kayo at later on na ang posibleng pagkakaroon ninyo ng anak.
Dr. Love