MANILA, Philippines — Nananatiling nangunguna sina Ben “Bitag” Tulfo, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong survey ng Tangere.
Lumitaw na si Ben Tulfo ay may 54.63%, ng voter’s preference mula sa Metro Manila at Visayas habang sa Mindanao naman humataw si Go na nakakuha ng 54%, at 53.5% si Rep. Tulfo na mataas ang voter’s preference sa Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon.
Mas tumaas ang tiwala ng publiko kay Go kasunod ng patuloy na suporta nito sa isyu na kinahaharap ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ang survey na ginawa mula Marso 11-14, 2025 ay sa gitna ng pag-aresto sa dating pangulo.
Ang mga respondent na edad 18-25 taon ay nagmula sa iba’t ibang rehiyon: 23% sa Northern Luzon, 22% Southern Luzon, 20% Visayas, at 23% Mindanao.
Ayon kay Martin Xavier Peñaflor, presidente at CEO ng Tangere Acquisition Apps, Inc. (Tangere), ang Tangere ay isang mobile application na makikita sa Google App Store na nagsasagawa ng mga online at face-to-face survey.