Bagyong Leon, nagbabantang pumasok sa PAR

Oras na pumasok sa PAR, tatawagin itong Leon, ang ika-12 bagyo na papasok sa bansa.
PAGASA

MANILA, Philippines — Nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Kong-Rey Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Oras na pumasok sa PAR, tatawagin itong Leon, ang ika-12 bagyo na papasok sa bansa.

Kahapon, alas-10 ng umaga si Kong-Rey ay namataan ng PAGASA sa layong 1,630 kilometro sila­ngan ng Central Luzon. Taglay ni Kong-Rey ang lakas ng hangin na may 65 km kada oras at may pagbugso na aabot ng 80 km bawat oras.

Ngayong weekend, si Kong-Rey ay kikilos pakanluran at unti-unting lalakas bilang isang severe tropical storm at posibleng nasa typhoon category sa Lunes.

Inaasahang mananatili itong malayo mula sa Phi­lippine landmass pero magiging mabagal ang forecast cone sa susunod na limang araw.

Ang dalang ulan ni Kong-Rey ay makakaapekto sa Extreme Northern Luzon depende sa kanyang trajectory sa PAR.

Inaasahan din na ito ay magpapalakas sa southwest monsoon na magdudulot ng mga pag-ulan sa western part ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na mga araw.

Inaasahan naman na magiging katamtaman hanggang sa maalon ang karagatan sa northern at eastern coastlines sa Luzon at eastern seaboard ng Visayas.

Show comments