Duterte, Paolo, Baste tatakbong senador sa 2025

Individuals fill out registration forms during the first day of the voter’s registration of the Commission on Elections (Comelec) for the 2025 National and Local Elections at the Comelec District 2 office in Quezon City on February 12, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Mismong si Vice President Sara Duterte na ang nagkumpirma na tatakbo sa 2025 senatorial race ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte, at mga kapatid na sina Davao 1st District Rep. Paolo Duterte, at Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Ginawa ni VP Sara ang kumpirmasyon sa isang ambush interview sa kanya sa Cagayan de Oro City.

“They are all rearing up to run. PRD for senator, my brother Paolo Duterte, currently a congressman, for senator, and Sebastian Duterte,” ayon kay VP Sara.

“Yes, that’s confirmed,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni VP Sara na naghahanda na rin sila sa 2028 presidential elections na kung saan si Mayor Baste ang napipisil na kumandidato sa pagka-pangulo.

Samantala, pagkatapos naman daw ng termino ni Sara ay muli siyang babalik sa Davao City upang muling tumakbong alkalde ng lungsod.

Show comments