Q Fever, under control na - DA

MANILA, Philippines — Under control na ang Q fever na unang napaulat na dumapo sa mga alagang ­kambing sa lalawigan ng Marinduque.

Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) spoeksman Arnel de Mesa dulot nang naisagawang agarang depopulation at condemnation ng ahensiya sa lahat ng mga alagang baka at kambing sa lugar na naapektuhan ng naturang sakit sa Marinduque gayundin sa Pampanga.

Anya nang makumpirma ng ahensiya sa serye ng laboratory tests ang Q fever sa 94 kambing na nakarating ng Marinduque ay agad na inutos ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel ang depopulation ng mga nagkasakit na kambing mula sa quarantine areas sa Pampanga.

Sa ngayon ay ban muna ang importasyon ng kambing mula sa Estados Unidos na sinasabing pinagmulan ng Q Fever.

Show comments