Urban poor workers sa Pasay, inayudahan ni Go

MANILA, Philippines — Nagbigay ng tulong si Sen. Christopher “Bong” Go sa mga maralitang manggagawa sa Pasay City noong Sabado.

Idinaos sa Cuneta Astrodome, nasa 1,000 benepisyaryo ang tumanggap ng ayuda kay Go, kinabibilangan ng food packs, bitamina, kamiseta, basketball, at volleyball. May mga piling benepisyaryo na binigyan ng bisikleta, sapatos, mobile phone, at relo.

Sa suporta ng senador, nag-alok naman ang DOLE ng pansamantalang trabaho sa mga manggagawa sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Kasama sa livelihood support na ibinigay ay ang GSIS Personal Accident insurance coverage para sa isang taon at isang set ng Personal Protective Equipment (PPE) na nagpapahusay sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.

Binigyang-diin ng senador na ang TUPAD program ay nag-aalok ng livelihood assistance at nagbibigay ng mahahalagang kasanayan sa mga benepisyaryo.

Hinimok ni Go ang mga benepisyaryo na i-maximize ang tulong na ibinigay sa kanila at patuloy na maging masipag at matiyaga.

Show comments