Teves pinalaya na sa house arrest sa Timor Leste

Photo released by lawyer Ferdinand Topacio shows him (left) walking with former Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr. following the latter’s release from preventive detention at the Becora Prison in Dili, Timor-Leste.
Ferdinand Topacio

MANILA, Philippines — Nakalaya na sa house arrest sa Timor Leste si dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ayon sa abogado niyang si Atty. Ferdinand Topacio.

“We confirm the published reports appearing on Timor Leste (TL) media ..,” pahayag ni Atty. Topacio.

Gayunpaman, may mga ilang kondisyon aniya na dapat sundin ang dating kongresista kabilang ang regular na pag-uulat sa isang opisyal ng korte at isang pangako na hindi aalis ng Timor Leste habang nakabinbin ang kaso ng extradition.

Una nang isinailalim sa house arrest ng Court of Appeals sa Dili, Timor-Leste si Teves dahil sa pagiging “flight risk” nito o may kakayahang umalis sa nasabing bansa kahit may nakabinbing pagdinig ng extradition.

Pinagbatayan sa pagiging flight risk ang pagtungo ni Teves na sakay ng pribadong eroplano, pag-upa ng buwanang $10,000 sa tinutuluyang bahay, habang kasama ang asawa at dalawang anak.

Bukod pa sa pagkakaroon ng 10 Pinoy at 10 Timorese na empleyado doon sa isang construction company, na ang kasosyo ang nagbibigay ng financial support.

Noong Martes nang ianunsyo ng Department of Justice (DOJ) na tapos na ang extradition trial ni Teves sa Timor Leste at hinihintay na lamang ang desisyon ng Court of Appeals ng Timor Leste.

Show comments