2 bagong guided missile warship ng Philippine Navy inilunsad sa South Korea

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Pilipinas ang kauna-unahang dalawang guided missile corvettes na nasa ilalim ng P28 bilyong kontrata bilang dagdag kapabilidad ng depensa ng Philippine Navy.

Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang paglulunsad sa South Korea ng dalawang bagong corvettes na ang isa ay may Hull Number FF-06 ay ipapangalan sa 19th Century Revolutionary General na nakipaglaban sa panahon ng Rebolusyon ng Pilipinas sa ilalim ng Espanya noong Philippine-American war.

Sinabi ni Teodoro, ang isa pang warship ay ipapangalan naman kay Miguel Malvar na may hull number PS-19. Ito ay ang World War II-vintage patrol craft ng PH Navy na nabili noong 1976 matapos ang 10 taong serbisyo sa Republic of Vietnam Navy at 20 taon naman ang serbisyo sa US Navy. Ang PS-19 ay nadekomisyon noong 2021.

Ang mga bagong missile corvette ay bahagi ng deal na nai-award sa Hyundai Heavy Industries (HHI) sa South Korea noong 2021 sa pamamagitan ng Philippine Navy’s Corvette Acquisition Program.

Inihayag naman ng Philippine Navy na ang BRP Miguel Malvar ay inaasahang maide-deliver sa bansa sa 2025 habang ang ikalawa ay sa taong 2026.

Show comments