Pangulong Marcos biyaheng Brunei, Singapore

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. leads the distribution of presidential assistance to farmers, fisherfolk, and families at Barangay Tubig-Mampallam in Municipality of Bongao, Tawi-Tawi on May 23, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Biyaheng Brunei at Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mayo 29-31.

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Maria Teresita Daza na inimbitahan ang Pangulo ni Sultan Hassanal Bolkiah para sa isang state visit sa May 28-29.

Ayon kay Daza, kukumustahin rin ni Pang. Marcos ang mga Pilipino sa Brunei na tinaya ng DFA na nasa 25,000 na naninirahan sa naturang bansa.

Makikipagpulong din anya ang Pangulo sa business sector para ma-promote ang trade at investments relations sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam.

Mula sa Brunei ay didiretso naman si Pang. Marcos kasama si First Lady Lisa Marcos sa Singapore.

Ayon sa DFA official, magsasalita ang Pangulo sa 2024 International Institute for Strategic Studies o IISS Shangri-La Dialogue.

Ang IISS Shangri-La Dialogue ay mahalagang pagpupulong sa Asya na nakasentro sa mga usaping pang-seguridad hindi lang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

Ayon kay Asec. Aileen Mendiola-Rau ng DFA Office of the Asian Pacific Affairs, isang lider lang ang nagde-deliver ng keynote address sa okasyong ito kada taon at si PBBM ang napili para sa 21st edition ngayong taon.

Show comments