DTI tumugon sa panawagan na price freeze

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa panawagan ni Senator Francis ‘Tol’ N. Tolentino para sa prize freeze, naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng panibagong listahan ng mga produkto na sasailalim sa boluntaryong nationwide price freeze.

Inanunsyo sa “Usapang TOL” sa DWIZ, ang mga sumusunod na produkto ay sinasabing kasama sa price freeze: Alaska condensed milk, Liberty condensada, Swerte ko instant mami, Nido fortigrow, Bear brand powdered milk, Carnation evap at Carnation condensada.

Ang boluntaryong pag-freeze ng presyo para sa mga nabanggit na produkto ay magkakabisa sa buong bansa mula Mayo 16 hanggang Hunyo 30, 2024.

Pinasalamatan ni Sen. Tolentino si DTI Secretary Alfredo Pascual sa pagdinig sa kanyang panawagan.

Matatandaang noong Mayo 4, 2024, hinimok ni Tolentino ang DTI na magpataw ng price control para maibsan ang pasanin ng mga mamamayan dahil sa El Niño at inflation.

Show comments