Water level ng Angat Dam, sumadsad na - PAGASA

A top view shows the declined water level of Angat Dam is seen from Norzagaray, Bulacan on May 7, 2024.
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sumadsad na sa minimum operating level ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan simula kahapon.

Ito’y sa kabila ng mga pag-ulan na naitatala sa Metro Manila at iba pang lalawigan nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa Hydrometeorology Division ng PAGASA, nasa 180.95 meters na lamang ang water level ng Angat. Nabatid na nabawasan pa ng point 25 meters ang water level ng nasabing dam at may point 95 meters na lamang ang natitira bago ito pumantay sa 180 meters na minimum operating level ng dam.

Bukod sa Angat dam, bahagya ring bumaba ang lebel ng tubig sa La Mesa at Binga.

Tumaas naman ang water level sa Ipo; Ambuklao; San Roque; Pantabangan; at Magat habang nananatili parin sa 286.15 meters ang lebel ng tubig sa Caliraya dam.

Show comments