Absolute Divorce bill aprub sa 2nd reading ng House

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ang Absolute Divorce Bill sa plenaryo ng Kamara nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ang House Bill (HB) 9349 o Absolute Divorce Act.

Tinukoy naman na kabilang sa mga grounds para ipatupad ang absolute divorce ay ang psychological incapa­city, marital abuse, kapag ang isa sa mga magka-partner sy sumailalim sa surgery para magpalit ng kasarian, pagkakahiwalay ng 5 taon, pisikal na pang-aabuso, pagkakahiwalay ng 5 taon, pagtataksil, homosexuality at iba pa.

Sa plenaryo, kinuwestiyon ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre kung ang absolute ay para sa mag-asawang hindi na masayang nagsasama sa kabila ng kasal ang mga ito.

Tinugon naman ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na hindi lamang sa hindi masayang pagsasama kundi ma­ging sa mga toxic na relasyon at puno ng pighating sitwasyon.

Binigyang diin ni Lagman, may-akda ng panukala na ang absolute divorce ay “pro-poor woman” kung saan sa ilalim ng panukalang batas ay may mandato rito ang hukom na desisyunan ang petisyon ng diborsiyo sa loob ng isang taon matapos namang mag- expire na ang 60 araw na ‘cooling off period’.

Show comments