Tulfo, Sotto, Go nanguna sa 2025 senatorial race – OCTA

ACT-CIS partylist representative Erwin Tulfo answers media questions during the Kapihan sa Manila Bay forum in Malate, Manila on February 21, 2024.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nanguna si House Deputy Majority leader at ACT-CIS party list Rep. Erwin Tulfo sa senatorial survey ng OCTA Research Group noong Marso lamang.

Nakakuha si Tulfo ng 58% kalamangan laban sa 16 pang personalidad na kasama sa listahan ng mga taong may statistical chance na magwagi sa pagka-senador, kung ang May 2025 elections ay idaraos sa petsa kung kailan isinagawa ang Tugon ng Masa national survey ng OCTA Research Group.

Pumangalawa kay Tulfo si dating Senator Vicente “Tito” Sotto III na nakakuha ng 52% voting preference at pangatlo si Sen. Christopher “Bong“ Go na may 50%.

Sumunod sa kanila si Ben Tulfo, na kapatid ni Rep. Tulfo, 43%; dating Pang. Rodrigo Duterte, 38%; dating senator Panfilo Lacson, 34%; Sen. Ronald Dela Rosa, 33% at dating senator Manny Pacquiao, 32%. Kasunod rin nila sina Sen. Bong Revilla, 30% at Sen. Imee” Marcos, 29%.

Kasama rin sa survey sina dating Manila mayor Francisco Domagoso, 27%; Sen. Pia Cayetano, 26%; Sen. Francis “Tol” Tolentino, 22% at dating senator Lito Lapid, 22%.

Pasok din sina Dr. Willie “Doc Willie” Ong, 21% at DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 21%.

Ang survey ay isinagawa nationwide mula Marso 11-14, 2024 na may 1,200 respondents.

Show comments