Suspek sa Camilon case, pinakawalan na ng Senado

MANILA, Philippines — Pinakawalan na ng Senado si Police Major Allan De Castro, ang pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, pinakawalan na muna niya si De Castro dahil magbabakasyon ang Senado ng higit sa isang buwan.

“Pinakawalan ko dahil bakasyon ang Senado ng more than one month. Walang magaganap na hearing. Well, bakasyon, naka-break ang Senado. So, hindi ko kailangan ang presensya niya. Pagbalik ng Senado, kung magkakaroon pa kami ng hearing, ipapatawag natin ulit. siya,” sinabi ni Dela Rosa sa mga mamamahayag sa isang panayam sa telepono.

Isinangkalan din ni Dela Rosa ang “humanitarian reason” sa pagpapakawala kay De Castro.

Iniutos ng Senate panel ang subpoena laban sa mga pangunahing suspek sa kaso ni Catherine Camilon

Matatandaan na itinanggi ni De Castro na may relasyon sila ng nawawalang si Camilon.

Show comments