2 barko ng China naispatan sa Benham Rise – Navy

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Navy (PN) na dalawang barko ng China ang nakitang naglalayag sa paligid ng Benham Rise na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas nitong Marso 1.

Gayunman sinabi ni PN spokesperson Commodore Roy Vincent Trinidad na nakaalis na rin sa EEZ ang dalawang barko dakong alas-3 ng hapon nitong Sabado.

“Maga-attempt sila ulit ngayon. Bagama’t kahapon ay na-monitor naman na ito’y nasa labas na ng ating EEZ, as of yesterday, alas-3 ng hapon,” ani Trinidad.

Ayon kay Trinidad, magsasagawa ng air surveillance flight ang PN sa Benham o Philippine Rise na matatagpuan sa Silangang bahagi ng Northern Luzon.

Ibinahagi ni dating United States Air Force official at US maritime security expert Ray Powell sa kanyang social media post na nitong Pebrero 26, dalawang research vessel ng China ang umalis ng Longxue Island sa Guangzhou sa China.

Aniya, ang dalawang Chinese vessel ay kinabibilangan ng Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Shihao.

Tiniyak ni Trinidad 24/7 isinasagawa ang surveillance mission upang malaman kung may iba pang mga barko na umaali-aligid sa EEZ ng bansa.

Show comments