MANILA, Philippines — Humina at naging low pressure area (LPA) na lamang ang bagyong Amang.
Sa weather bulletin ng PAGASA ng alas-11 ng umaga kahapon, si Amang ay patungo ng Polillo Islands sa Quezon at inaasahang malulusaw na ngayong Biyernes.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na ang LPA ay magdadala pa rin ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Rizal at Quezon.
Inasahan din ang mga pag-ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Calabarzon at Central Luzon.
Samantala, hindi nagdulot ng pagtaas ng level ng tubig sa mga dam ang dalang ulan ni Amang.
Ayon kay PAGASA spokesperson for flood Adel Duran, ang water level sa Angat Dam ay bumaba na sa 0.31 meters habang ang Pantabangan ay bumagsak sa 0.17 meters, ang Ambuklao at Binga ay halos walang ipinagbago.
Tanging ang Magat Dam sa Isabela ang may naitaas sa level ng tubig na umabot sa 0.15 meters nitong nagdaang Miyerkules.
Related video: