MANILA, Philippines (Updated 2:26 p.m.) — Hinatulang nagkasala ng Seventh Division ng Sandiganbayan ang aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate sa graft at nine counts ng falsification kaugnay ng pagkuha ng "ghost employees" noong 2010.
Sinentensyahan ang komedyante ng hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada count ng falsification offense.
Related Stories
The Sandiganbayan has found former Quezon City councilor Roderick Paulate guilty of one count of graft and nine counts of falsification of public documents in connection with the hiring of ghost employees in 2010. @PhilippineStar @onenewsph
— Elizabeth T. Marcelo (@marcelo_beth) December 2, 2022
Nag-ugat ang reklamo sa pag-hire diumano ni Paule ng 30 "ghost" contractors sa kanyang opisina mula Hulyo hanggang Nobyembre ng taong 2010, dahilan para hainan siya ng kaso ng Office of the Ombudsman noong 2018.
Kabilang sa mga kinakaharap niyang kaso ang:
- paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act
- falsification by a public officer
- falsification of public document (8 counts)
Dahil sa graft conviction, habambuhay nang disqualified si Roderick mula sa public office.
Kasamang na-convict ni Paulate para sa graft charges ang kanyang driver at liason officer na si Vicente Bajamunde. Sa kabila nito, abswelto si Bajamunde sa falsification cases.
"Accused Vicente Esquilon Bajamunde is hereby ACQUITTED in these cases for failure of the prosecution to prove the guilt of said accused beyond reasonable doubt," dagdag ng 130-pahinang dokumentong isinapubliko, Biyernes.
Milyung-milyong multa
Kaugnay ng graft case, kailangang i-indemnify nina Paulate at Bahamunde ang gobyerno ng halagang P1.109 milyon, na may interes na 6% per annum hanggang mabayaran nang buo.
Kakailanganin ding bayaran ng aktor ang multang P10,000 para sa kasong falsification by a public officer.
Bukod pa ito sa P10,000 multang kailangan niyang bayaran para sa kada count ng falsification of public document.
Taong 2018 nang maghain si Paulate, na kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula gaya ng "Petrang Kabayo" at noontime show na "Magandang Tanghali Bayan," ng piyansa para sa mga nabanggit na reklamo. Noong taong 'yon, gumanap pa siya bilang mayor sa "FPJ's Ang Probinsyano."
Pinatawan naman si "Kuya Dick" ng 90-araw na suspensyon ng Department of the Interior and Local Government noong tumatakbo pa ang kaso. — may mga ulat mula kay The STAR/Elizabeth Marcelo