MANILA, Philippines — Nananawagan ngayon ng government intervention ang isang grupo ng militanteng mangingisda kasunod ng nagtataasang presyo ng fisheries products gaya ng galunggong kamakailan.
Sa price monitoring kasi ng Department of Agriculture, Biyernes, aabot na sa P200 per kilo ng galunggong. Kahapon, nasa P260 per kilo ito.
Related Stories
"With P250/kilogram retail price, galunggong is no longer a ‘poor man’s fish,’" ani PAMALAKAYA national chairperson Fernando Hicap sa isang pahayag.
"This unreasonable pricing is mainly caused by government’s failure to regulate private fish traders who secure their profits by jacking up the wholesale prices and eventually pushes up retail prices at unaffordable levels."
Inilinaw ng grupo na ang mga retail prices nito'y hindi nagpapakita ng farm gate value ng mga huli, lalo na't nakikipag-barter ang fishtraders sa maliliit na mangingisda sa mababang presyo.
Sa Palawan nga raw, P60 hanggang P80 lang ang farm gate price — apat na beses mas mababa sa retail price: "The unregulated middlemen system in fish trade results to manipulation of farm gate and market prices which is both detrimental to small fishers and ordinary consumers," dagdag pa ni Hicap.
Importasyon ng GG?
Martes lang nang sabihin ng DA na aprubado na ang pag-iimport ng 60,000 metric tons ng isda para matiyak ang suplay sa bansa.
Pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar ang mga certificate na kailangan para maipasok sa bansa ang naturang mga isda, kahit na sinabi na ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) na sapat ang suplay ng isda sa Pilipinas.
"Maybe that’s their thinking. But based on data from the BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources), we have a potential deficit this quarter of about 119,000 MT," paliwanag ni Dar.
"But at the end of the day, we take responsibility in terms of ensuring food security, in this case fish supply of small pelagic fishes."
"I have directed the BFAR to see to it that the imported galunggong must reach the wet markets."
Naninindigan ang PAMALAKAYA at Bayan Muna party-list na makapipinsala sa lokal na industriya ng pangingisda ang naturang importasyon, at sa halip magpatupad na lang ng price cieling upang may kalagyan ang mga "ganid" na wholesalers.
Ang panawagan nilang price control ay alinsunod daw sa probisyon ng Republic Act 7581 o Price Act na layong labanan ang iligal na manipulasyon, profiteering, atbp. ng batayang pangangailangan lalo na kung sobra-sobra na sa tunay nitong halaga.
'Nilunod ba ni Odette ang mga isda?'
Isa sa mga ginagamit na dahilan ngayon ni Dar para sa importasyon ay ang pinsalang tinamo ng bansa dulot ng Typhoon Odette, na nakapinsala raw sa fisheries sector.
Sa huling taya ng NDRRMC noong nakaraang linggo, aabot sa P1.67 bilyong damage sa mga pangisdaan ang halaga ng nasira ng naturang bagyo.
Pero hindi 'yan pinaniwalaan ni 2022 presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao: "Alangan naman na nalunod yung mga isda dahil sa bagyo kaya may shortage?" banggit ng senador sa isang pahayag.
"Yung mga galunggong na gusto i-import ng DA ay hindi nahaharvest sa mga baklad o mga fishpens na maari sana nating sabihin na nasira dahil sa bagyo... Sa dagat mismo nahuhuli mga yan kaya napakalaking kalokohan itong paliwang nila kung bakit gusto nilang mag-import."
“NALUNOD ANG ISDA?”
Presidential candidate Sen. Manny Pacquiao refutes the DA’s claim that Typhoon Odette caused the fish shortage that requires the country to import galunggong (round scad) @PhilippineStar— Paolo S. Romero (@PaoloSRomero) January 21, 2022
Dagdag pa niya, magandang magbigay ng tulong ang DA sa mga lokal na mangingisda upang mapataas ang kanilang huli. Kilalang dating katulong ng mga mangingisda si Pacquiao sa kanilang lugar sa Sarangani noong kabataan niya.
Maaari rin daw gawin ngayon ng DA ang pagbibigay ng "interest-free lans" upang makabili ng mas malalaking bangka ang mga mamamalakaya para mamodernisa ang pangingisda. — may mga ulat mula kay The STAR/Paolo Romero