Halos 86k OFW naayudahan sa AKAP program ng DOLE

Ayon sa DOLE, ang kanilang Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) sa buong mundo at mga tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration sa bansa ay nakatanggap na ng 336,809 requests for assistance mula sa onsite at repatriated OFWs hanggang nitong Mayo 1.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakatanggap na ng ayuda ang halos 86,000 overseas Filipino workers na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic mula sa AKAP program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE, ang kanilang Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) sa buong mundo at mga tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa bansa ay nakatanggap na ng 336,809 requests for assistance mula sa onsite at repatriated OFWs hanggang nitong Mayo 1.

Sa kabuuang aplikasyon, 85,849 OFWs ang kuwalipikado at napagkalooban ng ‘one-time na P10,000’  o $200 cash assistance mula sa P1.5-bilyong emergency aid program para sa OFWs, na na-displaced mula sa kanilang trabaho dahil sa lockdown sa mga bansang kinaroroonan o di kaya’y istranded sa community quarantine sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ayon sa DOLE, ay nakapag-disburse na sila ng P482.9 milyon para sa 47,239 kuwalipikadong OFWs.

Show comments