Pamilya Duterte sumalang na rin sa COVID-19 test

Kinuhanan na rin ng swab samples maging ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at anak nilang si Veronica o Kitty.
Image courtesy of Duterte’s former special assistant Christopher Go, who accompanied them on the trip.

MANILA, Philippines — Kinuhanan na rin ng swab samples maging ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at anak nilang si Veronica o Kitty.

Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go sa mga mamamahayag.

Ayon kay Go, sumalang na rin sa COVID-19 test ang iba pang anak ng Pangulo na sina Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte at dating Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte.

Pero ayon kay Go, nasa Davao pa at hindi pa naipapadala sa Maynila ang mga swab sample ng pamilya Duterte para masuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na person under investigation si Vice Mayor Sebastian dahil sa lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.

Una ng nagpakuha ng swab samples sina Pa­ngulong Duterte at Sen. Go na parehong negatibo sa COVID-19.

Show comments