MANILA, Philippines — Nanawagan ang Murang Kuryente Partylist (MKP) sa milyun-milyong botante na dadagsa bukas, Mayo 13, sa lahat ng voting precincts na kilatisin ang bawat kandidato at tiyaking may malasakit ang mga ito sa kalbaryong pinapasan ng mamamayan dahil sa mataas na singil sa kuryente.
Ayon kay Gerry Arances, tagapagsalita at isa sa nominees ng MKP, sa daan-daang partylist groups na tumatakbo ngayong 2019 elections, tanging ang MKP ang nag-iisang partylist group na nagsusulong para sa kapakanan ng mga electric consumers at itinutulak ang makatarungan, malinis at murang kuryente sa buong bansa.
Hinikayat din ng grupo ang bawat mamamayan na maging mapagmasid, vigilante at makibahagi sa makasaysayang halalan sa Lunes upang matiyak na malinis, patas at makabuluhan ang magiging resulta ng halalan.