MANILA, Philippines — Nagpalabas ng executive order si Pangulong Duterte para sa salary increase ng mga kawani ng gobyerno.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang EO 76 para sa 4th tranche ng Salary Standardization Law (SSL).
Nabitin ang salary adjustment ng mga government workers dahil reenacted budget pa rin ang umiiral matapos mabigo ang Kongreso na maipasa ang 2019 national budget.
Dahil matagal nang inaasam ng government employees ang nasabing salary increase ay nagdesisyon ang Pangulo na magpalabas ng EO para rito habang hindi pa naipapasa ang pambansang budget.