MANILA, Philippines — Hinuli ng mga tau-han ng National Food Authority (NFA) ang nasa kabuuang 3,828 erring rice traders makaraang isagawa ang pinatinding market monitoring ngayong 3rd quarter ng taon.
Ayon kay NFA OIC-Administrator Tomas R. Escarez, ang mga nahuli ay mula sa ginawang pag-iinspeksiyon ng mga tauhan sa may 95,000 business establishments mula July hanggang September ngayong taon.
Bunga nito, nakali-kom naman ang NFA ng kabuuang P1,576,379.00 multa mula sa mga lumabag sa batas.
“This is a testament to our continuing effort to curb illegal activities by unscrupulous rice traders in the industry. The agency will continue its fight against rice traders who are illegally rebagging and diverting NFA rice, and those who are hoarding rice stocks to increase the market price of commercial rice,” pahayag ni Escarez.
Nangako naman si Escarez na gagawing sapat ang suplay ng bigas sa bawat pamilya gayundin ang pagpapairal ng “Suggested Retail Price” sa bigas para sa kapakanan ng mamamayan.