MANILA, Philippines — Sa loob ng 32-taong pagbabalita ng Pilipino Star Ngayon, balikan natin ang evolution ng aming pahayagan.
Taong 1986 , lumabas ang maiden issue ng Pilipino Star Nga-yon na binuksan bilang Ang Pilipino Ngayon.
Itinayo ng beteranong mamamahayag na si Betty Go-Belmonte ang PSN o APN noon para sa mga masang mambabasa kaya’t sa hala-gang piso lamang ito ibinenta.
Nagsimula ang Pilipino Ngayon sa walong pahina lamang bago naging 12 pahina, hanggang sa naging 16 pahina at kung minsan ay umaabot pa sa nga-yon ng 24 pahina.
Kabilang sa mga unang kolumnista noon ng Pilipino Ngayon ang mga kilalang mamamahayag na sina Luis Beltran, Max Soliven at ang sikat na entertainment writer noon na si Inday Badiday.
Dahil sa pagbabago ng panahon, nagpa-salin-salin din ang logo at pangalan ng Pilipino Star Ngayon.
Mula sa Ang Pilipino Ngayon, binago ito sa Ang Pilipino Star bilang sister company ng broadsheet na The Philippine Star noong dekada 90.
Di naglaon ay pinalitan ito ng Pilipino Star Ngayon sa hu-ling bahagi ng dekada 90 upang balikan ang pinagmulang Ang Pilipino Ngayon.
Mula sa halagang piso, makalipas ang 32 taon, abot-kaya pa rin ng masang Pilipino ang PSN sa halagang P10 lamang.
Bagama’t yumao noong 1994 si Mam Betty ay ipinagpatuloy ng pamilya Belmonte ang pagtataguyod ng Pilipino Star Ngayon sa ilalim ng pamumuno ng kanyang anak na si Miguel Belmonte.
Kasama sa PhilStar Media Group na pagmamay-ari ng Media Quest ni Manny V. Pangilinan, patuloy ang pagbabalita ng Pilipino Star Ngayon.
Sa mahigit tatlong dekadang pagbabalita ng Pilipino Star Ngayon, hindi na mabilang ang mga parangal na iginawad sa PSN. Kabilang na rito ang apat na sunod na taong “Newspaper of the Year” mula noong 2014 hanggang 2017 Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademis-yan ng Aninong Gumagalaw),isang award-giving body sa Philippines na binubuo ng mga critics, scho-lars, historians at professors ng iba’t ibang colleges at universities.
Ang mga parangal na ito, ang tiwala at patuloy na pagtangkilik ng aming mga mambabasa, ito ay patunay na ang Pilipino Star Ngayon ang nangungunang tabloid newspaper sa bansa.
Kami po ay lubos na nagpapasa-lamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at pagtangkilik sa amin.
Kayo po ang tunay na No. 1 at kami ay patuloy na maglilingkod sa inyo.