Early registration hanggang Peb. 28 na lang - DepEd

Ayon sa DepEd, nakatakda nang magtapos ang early registration sa lahat ng public elementary, secondary at senior high schools sa buong bansa kaya dapat itong samantalahin ng mga magulang at iparehistro na ang kanilang mga anak. 

MANILA, Philippines — Hanggang Pebrero 28, 2018 na lang ang ipinatutupad na early registration period ng Department of Education (DepEd) para sa school year 2018-2019.

Ayon sa DepEd, nakatakda nang magtapos ang early registration sa lahat ng public elementary, secondary at senior high schools sa buong bansa kaya dapat itong samantalahin ng mga magulang at iparehistro na ang kanilang mga anak.

Sinimulan ng DepEd ang maagang pagpaparehistro noong Enero 28 pa.

Layunin nitong maagang makapaghanda ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase para sa susunod na school year upang maabot ang target nilang bilang ng mga mag-aaral na papasok sa eskwela.

Nais ng DepEd na matiyak na lahat ng batang limang taong gulang na sa Agosto 31 ay mai-enroll sa Kindergarten.

Sa ilalim ng programa, ang mga mag-aaral ay kinakailangang maagang magparehistro sa mga paaralan kung saan nila nais pumasok.

Ang mga incoming Kindergarten learners ay kinakailangang magdala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dating National Statistics Office (NSO) birth certificate at kopya ng Early Childhood Development (ECD) checklist report mula sa dating day care center na pinasukan into.

Ang mga Grades 1, 7, at 11 learners naman ay kailangang magprisinta ng kanilang PSA birth certificate at school report card.

Muli namang nagpaalala ang DepEd na walang kinakailangang bayaran sa paaralan ang mga magpapa-enroll, alinsunod sa ipinatutupad na ‘no collection policy’ ng departamento.

Show comments